Para sa English version: “Does Numbers 23:19 Deny That God Would Become Man?”
Ang paninidigan sa pagiging tao ng ating Panginoong Jesus ay
hindi pagtanggi sa Kanyang pagka-Diyos.
Sang-ayon ako sa Iglesia ni Cristo (INC) na ang “mga
apostol… ay sadyang malinaw na itinuro na si Cristo ay tao.”[1] Ako rin ay
nananampalataya sa Kanyang buong pagiging tao.
Ang pagtanggi sa tunay na
pagiging tao ni Jesus ay pagtanggi sa isang bagay na nasa pinaka-puso ng
Cristianismo, kaya walang sinuman na itinanggi na si Jesus ay naparito sa laman
na isinugo ng Diyos.[2]
Subalit hindi ako sang-ayon sa konklusyon ng INC na
Pinapatunayan ng pagiging isang
tao ni Cristo na Siya ay hindi Diyos. At ang mga apostol ay lubos na nagkakaisa
sa bagay na ito… Iba Siya mula sa Diyos. Hindi Siya Diyos, ni Siya ay Diyos-Tao.[3]
Oo, pagdating sa ganap na pagiging tao ni Cristo, “ang mga
apostol ay lubos na nagkakaisa”. Ngunit ang katotohanan na Siya ay tao ay hindi
nagpapatunay na Hindi Siya kapantay ng Diyos. Ang paninindigan ay isang bagay.
Ang pagtanggi ay ibang bagay (Basahin: “Itinanggi ba ni Jesus ang Kanyang pagka-Diyos sa Juan 8:40?”)[4] Subalit,
iginigiit ng INC na hindi nga ganon.
Si Cristo ay ipinagdalang-tao ng
Kanyang Ina, si Maria. Ito ay nangangahulugan na Siya ay tao at hindi Diyos.
Sapagkat kailanma’y hindi ipagbubuntis sa pamamagitan ng sinumang taong ina ang
tunay na Diyos dahil sa Siya ay hindi tao ni anak ng tao (cf. Bilang 23:1).[5]
Siyempre naman, “kailanma’y hindi ipagbubuntis sa
pamamagitan ng sinumang taong ina ang tunay na Diyos”. Ipinagbuntis lamang ni
Maria ang Kanyang pagiging tao. Hindi namin kailanman sinabi na maipagbubuntis
ang pagka-Diyos. Kaya wala namang kinalaman talaga na banggitin pa ang naturang
puntos. Kapansin-pansin na sinitas ng INC ang Bilang 23:19 para suportahan ang
kanilang paniniwala.
Ang Diyos ay hindi tao, na magsisinungaling, ni anak ng tao na magsisisi. Sinabi ba niya at hindi
niya gagawin? O sinalita ba niya at hindi niya tutuparin?[6]
Subalit hindi naman talaga pinasubalian ng Bilang 23:19 na
ang Diyos ay magkakatawang-tao.
Hindi man lamang nito tinalakay na hindi maaaring magkatawang-tao ang
Diyos, samakatuwid ay magkaroon ng kalikasan ng tao bilang karagdagan sa
Kanyang kalikasan bilang Diyos. Ito ay patungkol sa Kanyang hindi pagbabago sa
Kanyang mga pangako at Kanyang mga layunin.
Sa ating talata, ipinapahayag ng propetang si Balaam ang
kanyang ikalawang talinghaga. Binayaran siya ni Haring Balak upang isumpa ang
bansang Israel. Subalit, sa pamamagitan ng nasabing kapahayagan, inihayag ni
Balaam na
Hindi nagbabago ang Diyos sa
Kanyang mga sukdulang layunin o binabawi ang Kanyang mga taimtim na pangako.
Siyempre, tumutugon Siya sa mga salita at sa mga kilos ng mga tao sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng Kanyang mga plano. Ito ay nagmumula sa mas
malaking mga layunin ng Diyos kaya
Hindi Siya “magsisisi” [o “magbabago ng isip”] (v. 19). Ang punto ay hindi
pabagu-bago ang Diyos. Walang makabubuyo sa Kanya na isumpa ang mga pinili Niya
na pagpalain [7]
Ang Diyos ay hindi tao sa punto na Hindi Siya
magsisinungaling at hindi Siya magbabago ng isip. Ang Diyos hindi katulad ng
tao sa ganoong bagay. Ngunit hindi itinatanggi ng Bilang 23:19 na ang Diyos ay
magiging tao. Sinasabi ng Kasulatan sa atin na ang Diyos ay talagang
nagkatawang-tao.
Nang pasimula siya ang Verbo, at
ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay
Dios. … At nagkatawang-tao ang Verbo,
at tumahan sa gitna natin…[8]
Ang Verbo Na Diyos ay nagkatawang-tao. Kung gayon,
nagkatawang-tao ang Diyos, samakatuwid ay naging tao. Sa Magandang Balita Biblia, “Ang
Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin.” (Dagdag ang
pagbibigay-diin) (See “What Does John 1:1 Say About The Nature of JesusChrist?”)
May nagsabi na, “kung malinaw na ang punto ng isang talata,
huwag nang hanapan pa ng ibang punto at baka mauwi pa ito sa kahangalan.”[9] Ang
malinaw na punto ng Bilang 23:19 ay hindi nagbabago ang Diyos. Ang sabihin na
itinatanggi ng naturang talata na ang Diyos ay magiging tao ay paghahanap ng
iba pang punto na nauuwi na sa kahangalan.
Para sa English version: “Does Numbers 23:19 Deny That God Would Become Man?”
© 2012 Bible Exposé Apologetics Ministry. To know more about us, click here.
________________________________
[1] “apostles… unequivocally taught that Christ is man.” D. Aromin, “Just when was Christ made God?” Pasugo: God’s Message, July 1994, 12.
[2] “To deny Jesus’ true humanity was to deny something at the very heart of Christianity, so that no one who denied that Jesus had come in the flesh was sent from God.” Wayne Grudem, Systematic Theology (MI: Zondervan, 1994), 540.
[3] “Christ’s being a man proves that He is not God. And the apostles were unanimous in this regard. … He is different from God. He is not God, neither is He God-Man.” Aromin, 12.
[5] “Christ was conceived by His mother, Mary. This means He is man and not God. For the true God could never be conceived by any human mother as He is neither a man nor a son of man (cf. Num. 23:19).” Aromin, 12.
[6] Ang Biblia (2001 Edition).
[7] “God does not change His ultimate purposes or go back on His solemn promises. He does, of course, respond to the words and actions of people by adjusting His plans. It is from God’s larger purposes that He does not 'repent' [or 'change His mind'] (v. 19). The point is that God is not fickle. No one can induce Him to curse those whom He has chosen to bless.” Dr. Thomas L. Constable, “Notes on Numbers 2012 Edition,” Sonic Light, 2012, http://soniclight.org/constable/notes/pdf/numbers.pdf (accessed 31 August 2012).
[8]Juan 1:1, 14a. Ang Biblia (1905 Edition). Dagdag ang pagbibigay diin.
[9] “If the plain sense of the text makes sense, seek no other sense for it will be nonsense.”
<< Home